EBC CUP 2017, umarangkada na

https://youtu.be/16R6noHrGZY

Masayang dinaluhan ng mga kawani ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) ang isinagawang opening ng 2017 Eagle Broadcasting Corporation o EBC CUP. Limang teams kasama ang kanilang mga pamilya ang ipinakilala sa opening ceremony na ginanap sa New Era University (NEU) gym.

Matapos ang masayang opening ay sinimulan na ang mga game sa basketball.

Unang nagharap sa hard court ang powerhouse team na Blue team laban sa underdog na White Team na kinabibilangan naman ng mga staff at talents ng comedy hit sitcom na Hapi ang Buhay.

Mula sa una at second quarter ay kontrolado ng Blue team ang laro at hawak ang comfortable lead sa game.

Pagpasok ng second half tila nagbago ang tempo ng laro ng mahabol at maitabla ng White team ang game hanggang sa huling minuto ng laro.

Sa huling 32 seconds naman ng 4th quarter nakitang lumamang ang Blue team ng 3 points at posession ng White team ng ma foul si Zenarosa at maipasok ang dalawang free throws kung saan lumamang ang White team sa score na 74-73 manalo sa laro.

Sa second game nagharap ang Black laban sa Green team.  Maaga naman nakalamang ang Green team hanggang sa pagpasok ng 4th quarter. Nagawang makahabol ng Black team sa White team subalit kinapos na sa oras at makuha ng Green and unang panalo nito.

Pumalo naman ang Women’s Volleyball team na ginanap sa School For Ministers (SFM) gym. Unang nagharap ang Green team laban sa Red team na syang naman dinomina ng Red team na umabot sa two sets.

Sa huling game nagharap ang dalawa sa malakas na team ang Blue at Black teams. Umabot sa 3rd set ang laban na siyang pinagwagian ng Black team.

Naging matagumpay ang pagbubukas ng EBC Cup at nakita ang pagkakaisa ng mga manlalaro maging ang mga suporter ng bawat team.