EBC Cares Livelihood seminar, isinagawa sa Baliwag, Bulacan

(Eagle News) — Isang EBC Cares Livelihood seminar na programa ng Eagle Broadcasting Corporation ang isinagawa sa Brgy. Sta. Barbara Baliwag, Bulacan na dinaluhan ng ilang mga entrepreneur at ilang mga kababayan nating nais mag simula ng negosyo.

Sa pakikipagtulungan ng Potatoes USA na partner ng EBc sa mga ganitong tulong pangkabuhayan, ipinakilala nila ang paggamit ng US dehydrated potatoes na maaaring gamitin sa ating mga recipe na mas pinasarap, mas malinamnam, at may sustansiya.

Madaling gawin ang mga ito gamit ang US dehy, kaya maaari pang gamitin ang produkto na pang-negosyo.

Isa sa naging tagapagsalita ng programa si Dr. Eleonor Malicdem, isang Home Economics Consultant, nagbigay siya ng ilang paraan upang magsimula ng negosyo at papaano ito mapapaunlad.

Tampok din sa programa ang pagtuturo ng bawat produkto na may US dehydrated potatoes tulad ng mashed potato, potato halaya, hotdog, at siomai. Ito ay pinatikim din sa mga naging panauhin.

Kitang-kita sa mga naging bisita ang kasiyahan tungkol sa makabagong pamamaraan ng pag gamit ng patatas, na tiyak makakatulong din sa kanilang negosyo at sa mga may nais na pagkakitaan.