EBC artist na si Chadleen, ikinasal na

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Ikinasal na ang isa sa DJ ng Pinas FM 95.5 na si Chadleen sa kanyang long-time boyfriend na si Marlon de Leon.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Montclair, California.

Si Chadleen ay nakasama natin dito sa Eagle Broadcasting Corporation bilang isa sa mga host ng mga programang Pambansang Almusal, Letters and Music at bilang isang disc jockey ng Pinas FM 95.5.