e-Payment ng DFA magsisimula na sa Agosto

(Eagle News) — Sisimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Agosto ang kanilang e-Payment System.

Ayon sa DFA, babayaran na ng advance kapag nagpa-appointment online ang full processing fee na 1,200 pesos para sa express processing at 950 pesos sa regular processing.

May dagdag na 50 pesos naman para sa processing fee.

Ang sistema ay maaari pa lamang magamit ng mga nagpapa-book ng kanilang pasaporte sa Metro Manila.