DSWD, DAR at NAPC, suportado ang Php 2,000 SSS Pension Hike

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagkaisa ang mga taga-panguna ng Department of Social Welfare and Development, Department of Agrarian Reform at National Anti-Poverty Commission ukol sa Php 2,000.00 hike ng Social Security Pension.

Sa isinagawang Cabinet meeting, iprinesinta nila ang papeles na pinamagatang “Candidate Duterte’s promise to SSS retirees is President Duterte’s covenant with the people.”

Naglalaman ito ng pagpuri ng mga tao sa pangakong pag-suporta ng Pangulo sa Php 2,000.00 pension hike ng SSS.

Nakasaad din sa papeles na may awtoridad na ang Pangulo na ipatupad ito at hindi mahirap unawain ang kahirapan ngayon gaya ng kakulangan sa sahod at pag-suporta sa mga retiradong magulang.