Drug suspek patay sa buy-bust operation sa Quezon City

(Eagle News) – Patay ang isang drug suspek matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District Station 3 sa isang buy-bust operation sa Sitio Militar Brgy. Bahay Toro, Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Frederick dela Cerna alyas Dekdek.

Agad na nagpaputok ang suspect sa pulisya na nagpanggap na sibilyan ng matunugan na ito ay pulis na palang nag mamanman sa lugar.

Hindi natuloy ang bilihan ng shabu dahil nauwi na agad ito sa engkwentro kaya ang resulta dead-on-the-spot si Dekdek matapos na gumanti ng barilan sa mga pulis.

Sangkot din ang suspek sa ilang pagpatay na matagal ng pinaghahanap ng pulis.

Narekober sa suspek hindi pa matukoy na baril, mga bala at ilang sachet ng shabu. (with a report from Earlo Bringas)