DPWH-Region 1, inalerto na ang lahat ng kanilang disaster team sa magiging pananalasa ng bagyong Ompong

(Eagle News) — Nakaalerto na ang Regional Disaster Risk Reduction Management Team at lahat ng disaster team ng buong Region 1 sa magiging pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Engineer Josie Huamar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1, bahagi rin ng kanilang paghahanda ay nakapagpadala na sila ng pre-positioning team ng kanilang quick response asset na magmamando sa kanilang mga tauhan.

Pinatitiyak aniya sa kanila ni DPWH Secretary Mark Villar na lahat ng mga imprastraktura kabilang na ang mga high-rise at public buildings ay mababantayang mabuti.

Babantayan din aniya nila ang mga tulay sa Region 1 na nasa ilalim ng konstruksyon at lahat ng mga tulay sa rehiyon upang matiyak na ang mga ito ay matatag sa pananalasa ng bagyo.