DPWH, isasailalim sa road repairs ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend

Ni Moira Encina
Eagle News Service

(QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Itutuloy ng DPWH ang pagkukumpuni ng ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend.

Sa Quezon City, isasailalim sa road repair ang dalawang sections sa EDSA at isang bahagi ng Batasan Road.

Partikular na rito ang southbound direction ng EDSA mula sa harap ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo, 3rd lane mula sa Center Island; at ang northbound direction mula bago mag-North Avenue, 6th lane mula sa Center Island.

Habang sa Batasan Road ay bago ang Payatas Road, o sa 2nd lane nito.

Sa Maynila, kukumpunihin naman ang northbound directions ng A.H. Lacson Avenue, corner Aragon Street at corner P. Florentino Street.

Sisimulan ang road repair simula alas onse ng gabi mamaya (11:00PM).

Magiging fully passable ang mga nasabing kalsada sa Lunes, September 3 ng ala-singko ng umaga (5:00AM).

Dahil dito, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagbagal ng trapiko sa mga nabanggit na lugar bunsod ng reblocking at repairs.

https://youtu.be/md56F6fAQTo