DOTr tiniyak na mararamdaman na ang mas maayos na serbisyo ng MRT-3 sa susunod na buwan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inaasahang mababawasan na ang mahahabang pila sa Metro Rail Transit o MRT-3.

Ito ay matapos i-anunsyo ng Department of Transportation (DOTR) ang pagdating ng mga bagong spare part sa susunod na buwan.

Tiniyak ng DOTR na darating ito mula tatlumpung araw hanggang anim na buwan at magsisimula nang maramdaman ang pag-ganda ng serbisyo sa huling bahagi ng Pebrero.

Sa ngayon, nagsasagawa na sila ng fault analysis upang masuri ang accuracy at transparency ng mga bagon nito, inatasan na rin anila ang pamunuan ng MRT-3 na maglabas ng technical findings sa lalong madaling panahon.