DOTr target ang paglulunsad ng passenger ferry na biyaheng Metro Manila patungong Cavite

(Eagle News) — Target ng Department of Transportation (DOTr) na makapaglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite.

Ito ay upang mabigyan ng opsyon ang mga commuter sa ibang pamamaraan ng transportasyon.

Sinubukan na ng team mula DOTr sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade ang bumiyahe sakay ng ferry patungong Cavite.

Mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50-minuto.

Dagdag na 15-minuto naman ang biyahe patungo sa Sangley Point.