DOTr, paiigtingin ang seguridad sa mga terminal ngayong holiday season

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade na paigtingin ang safety at security measures sa mga transport terminal lalo na ngayong holiday season.

Muling pinaalalahanan ni Tugade ang mga transportation official at tauhan ng railways, road, maritime at aviation sectors na pangunahing layunin nila na di lamang tiyakin ang kaligtasan ng daan-daang pasaherong pauwi ng probinsya kundi siguraduhin din na magiging kumportable sila sa paglalakbay.

Samantala, hinimok naman ni Tugade ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kapaligiran at magsumbong agad kung may taong makita na kahinahinala ang ikinikilos.

https://youtu.be/ZB0GUx9K5YA