DOLE magsasagawa ng isang job fair para sa mga OFW na nasa Middle East

MANILA, Philippines (Eagle News) – Magsasagawa ng isang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga overseas Filipino worker na naghahanap-buhay sa Middle East.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, ito ay upang mahikayat ang mga OFW sa gitnang silangan na umuwi na ng Pilipinas at dito na lamang magtrabaho. Isasagawa ang malakihang job fair sa Qatar na tatagal ng isang lingo.

Tinatayang nasa 18 libong trabaho ang inihanda ng DOLE sa mga OFW katuwang dito ang ilang mga private sector para sa mga skilled at semi-skilled worker, lalo na sa construction industry.

Giit ni Bello, alam niyang mas malaki ang sahod ng mga skilled at semi skilled worker sa ibang bansa, ngunit dapat din na isipin ang mga insidente ng pang-aabuso sa ilang OFW. (Eagle News Service)

https://youtu.be/r2wa2Foh4RE