DOJ, nagtalaga ng bagong piskal na hahawak sa kaso ng Korean national na dinukot

(Eagle News) — Nagtalaga na ng bagong piskal si Justice secretary Vitaliano Aguirre na hahawak sa kaso ng dinukot na koreanong negosyante sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa kalihim, si Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon ang bagong piskal na hahawak sa reklamong isinampa ng pnp-anti kidnapping group kaugnay sa pagkawala ni Jee Ick Joo.

Pinalitan ni Villordon si Assistant State Prosecutor Hjalmar Quintana na nag-inhibit makaraang maghain ng motion for inhibition ang kampo ng respondent na pulis.

Tiniyak ni Aguirre ang mabilis na pag-usad ng reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-AKG laban sa tatlong napangalanang respondent kabilang na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Ang korean businessman  ay dinukot mula sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga matapos ang sinasabing drug operation noong October 18, 2016.

https://youtu.be/enCm2Pmd93o