Dinagat Island, niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang munisipalidad ng Dinagat sa Dinagat Island kaninang madaling araw, Hulyo 16.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 15 kilometro silangan ng munisipalidad. May lalim ang pagyanig na walong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian sa kasunod pang mga pagyanig.

https://youtu.be/hydJ4KJt2CY