DepEd, suportado na isama ang robotics sa PHL school curriculum

(Eagle News) — Suportado ng Department of Education (DepEd) ang pagdagdag ng robotics program na ini-aalok ngayon sa mga private at public schools sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Ann Sevilla, ang robotics ay isang panibagong konsepto para sa ahensya pero balak pa aniyang palakasin ang nasabing programa.

Sa ngayon ang subject na robotics ay itinuturo lamang sa Science high schools at ilang private school.