DepEd, pinaalalahanan ang mga guro na iwasan ang anumang uri ng partisan politics

(Eagle News) — Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga opisyal maging sa mga teaching at non-teaching personnel nito na iwasan ang anumang uri ng partisan politics.

Sa isang press conference ng DepEd sa Quezon City, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na hindi niya papayagan na magamit ang ahensya sa anumang uri ng manipulasyon sa halalan.

Bilang paghahanda ng DepEd sa eleksyon, naglabas sila ng mga resolusyon noong Nobyembre na layong mapa-alalahanan ang mga kawani nito na magkaloob ng non-partisan public service.

Bukod rito, ipinagbabawal din ng ahensya na gamitin ng sinuman ang kanilang kapangyarihan upang impluwensiyahan at suportahan ang isang kandidato o partido.

Tiniyak naman ng DepEd na makukuha ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) sa darating na senatorial at local elections sa Mayo 13 na makukuha nila ang kanilang honoraria.