Dental at medical mission, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Tinatayang aabot sa 500 residente sa Real, Quezon ang nakinabang sa isinagawang Medical Mission ng Iglesia ni Cristo kamakailan. Bukod sa libreng serbisyong medical at dental ay namahagi rin ang INC ng mga gamot at bitamina para sa mga bata at matatanda.

Pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito, District Minister ng Quezon North at ng Social Service Office ng Iglesia Ni Cristo. Katuwang din nila sa nasabing aktibidad ang mga asawa ng mga ministro sa Hilagang bahagi ng Quezon.

Nagpasalamat naman ang mga residente na nakabahagi sa nasabing aktibidad dahil malaking tulong anila ito para sa kanila.

Kasabay din nilang isinagawa ang Blood Donation Activity na pinangasiwaan naman ng Philippine Blood Bank sa pakikipagtulungan ng INC. Tinatayang nasa 50 bags ng dugo ang nalikom mula sa nasabing aktibidad.

Nice Gurango, Josh Sarmiento – EBC Correspondent, Real, Quezon