DENR, pinayuhan ang publiko na huwag pansinin ang mga land scam post sa online

(Eagle News) — Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag pansinin at itigil ang pag-se-share ng mga post online ukol sa titulong maaaring makuha sa halagang Php 185.00.

Ayon sa DENR, hindi umano authentic ang laman ng nasabing online post kahit na may binanggit na pangalan na opisyal ng ahensya.

Paliwanag ni Land Management Bureau Director Emelyn Talabis, nakadepende ang titulo ng lupa sa ilang aspeto at hindi lamang sa application fee, documentary stamp at clearance.

Nagbabala naman ang LMB na huwag nang ipagkalat sa social media ang maling impormasyon ukol sa land scam.

https://youtu.be/UcQi_O5RlcY