DENR, itinakda ang Mayo 30 na deadline sa Palawan para gibain ang mga iligal na istraktura

(Eagle News) — Nagbigay ng deadline ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang baklasin ang mga iligal na istruktura sa Coron, Palawan.

Ayon sa DENR-MIMAROPA, itinakda nila hanggang sa katapusan ng buwan o Mayo 30 ang deadline sa pag-aalis ng mga istruktura na itinayo sa isla at malapit sa easement zones.

Noong Abril, nagbigay na ng abiso ang DENR na bakantehin na ang isla sa Barangay Tagumpay, Poblacion 1, Poblacion 3 at Poblacion 5.