Dekalidad na mga turista sa Boracay, ipinanawagan ng mga eksperto

(Eagle News) — Iginiit ng Asian Institute of Management-Center for Tourism na dapat maging prayoridad ng bansa ang paghikayat sa mga quality tourist na bumisita sa isla ng Boracay.

Ayon kay Executive Director Fernando Roxas, kung ipipilit ang quantity ay maaaring maibalik ang isla sa kalagayan nito noon.

Aniya, handa namang magbayad ng premium services ang mga eco-tourist para maranasan ang unique experience sa pagbisita sa Boracay.

Una rito, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pinaplano na ng gobyerno na palawakin ang kapasidad ng iba pang tourist destination sa bansa.

https://youtu.be/q-KQBbvH5l4