Dec. 26 at Jan. 2, hindi holiday para sa pribadong sektor – DOLE

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi holiday ang December 26 at January 2, 2018 para sa pribadong sektor.

Ayon kay Secretary Secretary Silvestre Bello III, ang mga nabanggit na petsa ay special non-working days, subalit para lang sa executive branch ng gobyerno.

Iginiit din niyang hindi saklaw ng holidays ang legislative at judiciary branch at nasa desisyon na nila kung gagawa ng parehong deklarasyon.

Una rito, idineklarang regular holidays ang December 25, December 30 at January 1 samantalang special non-working day naman ang December 31.