DBM, naglabas ng pondo para sa pagpapatayo ng public schools

Screen shot 2016-05-27 at 8.08.00 PM(Eagle News) — Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondong aabot sa P500 million na gagamitin sa pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Ang ipatatayong mga paaralan ay para sa komunidad ng indigenous people sa Regions 9 at 13.

Sa nasabing proyekto, nasa mahigit 600 silid-aralan ang ipatatayo sa mahigit 250 sites.

Kinuha ang pondo sa contingent fund para sa 2015 na una ng inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong buwan.

Ipinanukala naman ng Department of Education ang nasabing proyekto noong Disyembre ng nakaraang taon.