Dating RCBC branch manager Maia Deguito, hinatulang guilty sa kasong money laundering

Ni Moira Encina
Eagle News Service

(Eagle News) — Hinatulang guilty ng Makati RTC Branch 149 sa kasong money laundering si dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter Branch, Makati City Manager Maia Santos-Deguito.

Ito ay may kinalaman sa 81 million dollars na nakaw na salapi mula sa bangladesh bank na idinaan sa RCBC Jupiter branch partikular ang over the counter withdrawal ng  14.3 million dollars na bahagi ng $81 million na laundered fund.

Sa desiyong nilagdaan ni Judge Ceasar Untalan nakasaad na may sapat na basehan upang idiin sa kaso si Deguito sa 8 counts ng money laundering na isinampa ng Department of Justice.

Apat hanggang pitong taong pagkakalulong ang ipinataw ng korte kay deguito at multa na halos 110 million dollars.

Una nang naabswelto sa kaso ang Philrem Service Corporation at tanging si Deguito na lamang ang natitirang akusado.

February 16, 2016 nang ma-hack ang Bangladesh bank at ang $81 million dollars na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.