Dating DOH Sec. Garin, no show sa DOJ hearing sa isyu ng dengvaxia

(Eagle News) – Itinuloy ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa ikalawang batch ng mga reklamo kaugnay sa kontrobersyal na dengvaxia vaccines.

Hindi humarap sa preliminary investigation si dating Health Secretary Janette Garin na isa sa mga kinasuhan ng Public Attorney’s Office (PAO) at ilan sa mga magulang at pamilya ng mga batang namatay matapos mabakunahan ng dengvaxia.

Ayon sa DOJ Panel of Prosecutors, una nang pinanumpaan sa kanila ni Garin ang kontra-salaysay nito noong Lunes ng umaga. Kaya maaaring hindi na ito sumipot sa pagdinig. Ang abogado na lamang ni Garin ang humarap sa DOJ Panel para isumite ang counter-affidavit ng dating kalihim.

Ang second batch ng dengvaxia case ay kaugnay sa pagkasawi ng walong batang naturukan ng anti-dengue vaccines.

Binigyan naman ng DOJ ang panig ng complainants’ hanggang Nobyembre 15 para magsumite ng kanilang reply sa counter-affidavit ni Garin at ng iba pang respondents.

https://www.youtube.com/watch?v=8hh3zX3dDVs