Dating alkalde sa Maguindanao, sumuko na sa CIDG

SHARIFF AGUAK, Maguindanao (Eagle News) — Matapos hainan ng warrant of arrest noong 2014, sumuko na sa CIDG-Central Mindanao si former Shariff Aguak Mayor Sahara Ampatuan.

Napag-alamang sumuko si Ampatuan kay PO2 Patricia Bueno, tauhan ng CIDG, at humiling na samahan siya ng nabanggit na pulis sa pagpipiyansa para sa kaniyang kaso.

Matatandaang nahaharap sa kasong murder si Ampatuan at hinainan ng warrant of arrest noong September 2014 matapos diumano nitong ipapatay ang isang council secretary ng naturang munisipalidad noong Abril 2014.

Samantala, kasama ring kinasuhan ang mga kasamahan ng suspek na sina Kanurin Tayuan at Rambo Guia Salem na umano’y gunmen sa naturang pamamaslang.