Dalitiwan Resort, patok sa mga Turista sa Majayjay, Laguna

Patok ngayong summer ang Dalitiwan resort sa Majayjay, Laguna. Kung saan ay makikita dito ang mga man-made spring pool, ang malamig nitong tubig ay nagmumula sa Mt. Banahaw. Ang tubig sa swimming pool ay natural at walang halong chlorine. Magandang getaway ang nasabing resort dahil sa mga amenities nito katulad ng cottages at grilling area.

Bukod sa man-made swimming pool, isa din sa natural na atraksiyon ang mini-falls kung saan, nagbibigay ng “back massage.” Nakakamangha rin ang mga berdeng paligid na talaga namang nakapagtatanggal ng stress.

Ang bayan ng Majayjay sa Laguna ay nasa paanan ng Mt. Banahaw. Malapit din ito sa bayan ng Lucban Quezon kung saan matatagpuan ang Taytay Falls.

(Agila Probinsya Correspondent Gina Tabieros, Beia Coste, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)