Dalawang lalaki arestado sa magkasunod na buy-bust operation sa Tarlac

Nina Aser Bulanadi at Godofredo Santiago
Eagle News Service

GERONA, Tarlac (Eagle News) – Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang no.7 na drug personality sa watchlist ng mga operatiba, sa magkasunod na buy-bust operation sa Tarlac kamakailan.

Nahuli ang mga supek matapos ang mga ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Gerona Police Station, sa mga Brgy. Poblacion 1 at Brgy. Poblacion 3, Gerona, Tarlac.

Sa ulat ni Police Supt. Franklin Palaci Estoro, hepe ng Gerona PNP kay Police Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, provincial director ng Tarlac, ang mga nadakip ay sina Chester Agustin Estigoy, 36, residente ng Brgy. Abagon; at ang no.7 drug personality na si Dennis A. Formalejo, 40, nakatira sa Brgy. Poblacion 3.

Ang dalawa ay nakipagtransaksyon sa dalawang inakala nila na bibili ng shabu, pero mga pulis pala.

Ang nasabing mga operasyon ay pinagunahan ni Police Chief Insp. Jonathan Taliwan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tig-dalawang plastic sachet ng shabu at tig- isang P-500 bill mark money na ginamit sa mga buy-bust operation.

Kapwa kinasuhan rin ang mga ito sa kasong pagbebenta ng iligal na droga.

Nakakulong sila ngayon sa Gerona lock up cell.