Dalawang barko ng PCG, idedeploy sa Boracay

(Eagle News) — Magdedeploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang patrol vessels sa Boracay sa panahon ng anim na buwang closure ng isla.

Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, maglalayag simula sa Abril 22 ang BRP Cabra at BRP Davao del Norte.

Magdedeploy rin aniya ang PCG ng tatlong grupo, ito ay ang Special Operations Group, Marine Environmental Protection Command Group at Coastal and Beach Patrol Group.

Ang SOG ay makikipag-ugnayan sa Philippine National Police at Philippine Navy sa pagsasagawa ng security patrols.

Water quality tests, isasagawa sa Boracay

Magsasagawa naman ng water quality tests sa Boracay Island ang marine environmental protection command group na kinabibilangan ng marine scientists mula sa PCG at Environment Management Bureau.

Bukod rito, sila rin ang maglilipat ng produktong petrolyo mula Caticlan patungong Boracay.

https://youtu.be/l4u3ezBZz8A