Commander ng PCP sa Pasay City, sinibak ng NCRPO

(Eagle News) — Sinibak sa pwesto ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office, ang isang Pasay precinct commander.

Tinanggal ni Eleazar si PCP 1 Commander Senior Insp. Allan Estrada matapos matiyempuhang nakalock ang pintuan nito sa isinagawang surprise visit ng bagong NCRPO director nitong Lunes, ika-11 ng Hunyo, alas tres ng madaling araw.

Kinatok ni Eleazar  ng ilang ang opisina ni Estrada subalit walang sumagot at nagbukas ng pinto.

Inatasan muna ni Eleazar si Pasay City Chief of Police Senior Supt. Noel Flores na magtalaga ng officer-in-charge sa nabanggit na PCP.

Bago puntahan ang PCP ay nagtungo muna ito sa mga detachment at ilang police station sa Maynila gaya ng MPD Station 6 sa Sta. Ana hanggang Station 10 sa Pandacan.

Sa pag-iikot sa mga istasyon ng pulis sa Maynila, tanging sa PCP ng Punta, Sta. Ana at Station 6 nadismasya ang bagong NCRPO Director.

Pagdating niya sa una ay nakalock ang pintuan nito at sobrang dami ng kalat sa loob at labas ng presinto. Paulo Macahilas