Comelec sa publiko: Vote buying incidents, isumbong nyo sa amin

(Eagle News) — Umapela sa publiko ang Commission on Elections (Comelec), na i-report ang vote-buying incidents sa kanilang lugar.

Ito ang panawagan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, para magkaroon ng malinis na halalan.

Aniya, sa pamamagitan ng tulong ng publiko ay makakamit ang nasabing hangarin.

Sinabi ni Guanzon, na ang vote-buying incidents ay msaaring i-report sa mga election officers sa lugar kung saan ito nangyari.

https://youtu.be/JW869q5Nq8Q