Coastal clean-up drive, inilunsad sa Pagudpud

Nagsagawa ang SIKA o Sirib Ilokano Association, Municipal Environment Office, Department of Transportation (DOT), at ilang LGU’s ng coastal clean-up drive sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Layunin ng aktibidad na ito na maipaalala sa mga mamamayan ang kahalagahan ng proper waste management.

Humigit 150 na mga guro, mag-aaral ng Pagudpud National High School, opisyales ng komunidad at mga volunteers ang nakiisa sa clean-up drive na ito.

(Agila Probinsya Correspondents Weller Reyes, Chester Allan Eduria)