Cluster Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos, isinagawa sa Distrito ng Pampanga East

 

Cluster Pamamahayag ng mga salita ng Diyos isinagawa sa Distrito ng Pampanga West
Napuno ng mga panauhin ang gusaling sambahan ng Apalit, Distrito ng Pampanga East sa isinagawang Cluster Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos

APALIT, Pampanga- Sa tulong at awa ng ating Panginoong Diyos ay matagumpay na naisagawa ang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos na ginanap kagabi, Nobyembre 22,  sa gusaling sambahan ng Apalit, Distrito ng Pampanga East.

Pinangunahan ito ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula sa lokal ng Masantol at Apalit na maaga pa lang ay naghanda na upang ipag-anyaya at ibahagi ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga kaibigan, mga kamag-anak at sa iba pang mga panauhing dumalo.

Hindi nga sila nabigo sapagkat daan-daan ang mga bisita na dumalo upang makinig sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia, sa panguguna ni Kapatid na Mathusalem “Ka Matt” Pareja, Ministro ng ebanghelyo sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Marami sa mga naimbitahang panauhin ay nagpakita ng lubos na pagkamangha sa paraan ng pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo sa mga Salita ng ating Panginoong Diyos.

“Sa pagpasok pa lamang namin sa kanilang kapilya ay makikita na ang kaayusan lalo na noong magsimula na ang pagtuturo. Sila ay nagtatanong at sa Biblia mismo nagmumula ang sagot, hindi ito opinyon lang” pahayag ng isang panauhin.

Ang iba sa mga naanyayahan ay nagpasyang magpatuloy sa kanilang pagsusuri at pakikinig sa loob ng Iglesia Ni Cristo, bagay na ipinagpapasalamat ng maraming mga kapatid.

“Buong-buo ang aming pakikipag-kaisa at pagpapasakop sa ating Pamamahala lalong-lalo na sa mga gawaing pagpapalaganap at pagbubunga. Sa ating Panginoong Diyos po ang lahat ng Kapurihan” pahayag ni Kapatid na Nelyn Usi, isang masiglang maytungkulin.