CHR sa gobyerno: Tiyakin ang proteksyon ng human rights defenders

(Eagle News) — Kinakailangan umanong matiyak ng gobyerno ang proteksyon ng mga human rights defender sa bansa.

Pahayag ito ng Commission on Human Rights (CHR) matapos na manawagan si United Nations Special Rapporteur Michel Forst sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na umano ang pag-atake nito laban sa mga human rights defender at kilalanin ang kanilang ginagawa.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, nananawagan din ang komisyon sa gobyerno na gawin nito ang tungkulin na maprotektahan ang lahat at dapat din na protektahan ang karapatan ng mga human rights defender.

“We call on the government in the performance of their duty to protect everyone and that they must also protect the rights of human rights defenders. Human rights defenders must not be looked upon negatively, but rather as supporters of the government in the fulfillment of their human rights obligation,” pahayag ni De Guia.

Nakita na aniya ng CHR ang banta laban sa mga human rights defender simula pa noong 2009 Maguindanao massacre.

Sabi pa ni De Guia, nagpapatuloy ito ngayon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na karamihan ay laban sa mga mamamahayag at miyembro ng academe.

“We saw that at the start of the Maguindanao massacre and that same trend continues until now, especially with the red-tagging and the threats faced by human rights defenders, journalists, students, academe,” ayon pa kay De Guia.

Sa latest world report, sinabi ni Forst na ang war on drugs ng Pilipinas ay nakalikha umano ng climate of insecurity at impunity para sa extrajudicial killings na nakaapekto sa mga human rights defender.

https://youtu.be/KSGm9kOrAn4