Chinese investors, mamumuhunan sa itatayong commercial center sa Bulacan

(Eagle News) — Isang letter of intent ang nilagdaan sa pagitan ng Hunan Province ng China at lalawigan ng Bulacan para sa pagpapaganda ng relasyon ng dalawang probinsya.

Ang Bulacan kasi ang napili ng isang grupo ng mga investor mula sa Hunan Province para paglagakan ng 50 billion pesos investment.

Kasama sa mga proyekto ang makabagong commercial center na itatayo sa Pandi, Bulacan sa susunod na taon.

Magkakaroon ito ng shopping malls, techno hubs, call centers, factory outlets at mga factory warehouse na kaya raw magbigay ng higit sa isangdaang libong trabaho.

MRT 7 at airport projects, inaasahang makakatulong sa pag-unlad ng Bulacan

Inaasahan na lalo pang lalago ang industralisasyon sa lalawigan ng bulacan pag natapos na ang Metro Railway Transit (MRT)-7 project na mula Trinoma hangang San Jose Del Monte City at ang bagong international airport na sampung beses daw na mas malaki sa NAIA na inaasahang itatayo sa coastal area ng Bulacan. (Eagle News Service Mar Gabriel)