Ces Drilon, nakikipag-ugnayan pa umano sa iba pang tiwalag na INC

Isang TV Reporter ang umanoy tumutulong ngayon sa paghihimagsik ng mga natiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Kinilala ng source na humiling huwag banggitin ang kaniyang pangalan, ang nasabing TV personality na si Ces Drilon.

Si Ces Drilon din ang nagpalabas ng mga exclusive report sa mga tiwalag na miyembro ng INC gaya ng pagdukot umano kay Boyet Menorca, kahit na si Boyet Menorca na mismo ang personal na nagsasabing hindi totoo ang nasabing balita.

Batay sa pinakahuling impormasyon ng ating source, nakipagkita si Ces Drilon kay Angel Manalo sa mismong bahay na kinaroroonan nito sa Tandang Sora, Quezon City.

Pinaniniwalaang gagamitin ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ni Ces Drilon, ang iba pang tiwalag na miyembro ng INC upang ipantapat at hanapan ng butas ang isinasagawang peaceful assembly ng INC na tatagal hanggang sa mga susunod na araw.

Nauna rito, kumalat sa social media na may malapit na relasyon na higit pa sa pagiging magkaibigan sina Ces Drilon at ang dati niyang kasamahan sa trabaho na si Ricky Carandang.

Sinikap naming tawagan si Ces Drilon upang kunin ang kanyang panig, subalit hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone.