#[email protected]

EBC Cares Livelihood seminar, isinagawa sa Baliwag, Bulacan

(Eagle News) — Isang EBC Cares Livelihood seminar na programa ng Eagle Broadcasting Corporation ang isinagawa sa Brgy. Sta. Barbara Baliwag, Bulacan na dinaluhan ng ilang mga entrepreneur at ilang mga kababayan nating nais mag simula ng negosyo. Sa pakikipagtulungan ng Potatoes USA na partner ng EBc sa mga ganitong tulong pangkabuhayan, ipinakilala nila ang paggamit ng US dehydrated potatoes na maaaring gamitin sa ating mga recipe na mas pinasarap, mas malinamnam, at may sustansiya. […]

Mahigit pitong libo katao, lumahok sa EBC Family Fun Run sa Philippine Arena

(Eagle News) – Nasa mahigit pitong libo katao ang lumahok sa isinagawang family fun run na inorganisa ng Eagle Broadcasting Corporation na ginanap sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-limampung taong anibersaryo ng Eagle Broadcasting Corporation. Bago simulan ang fun run ay nagsagawa muna ng zumba para sa mga participant. Isa sa mga lumahok ang 75 anyos na si aling Erlinda na mula sa Caloocan. Nais aniya […]

EBC Family Fun Run masayang nilahukan ng magkakapamilya at makakaibigan

(Eagle News) — Sa ginawang EBC Fun Run ay naging excited ang mga participant dahil sa dami ng mga nakilahok, tila naging reunion din ang aktibidad lalo na sa magkakapamilya, at magkakaibigan. Maaga pa lamang ay nagtungo na sa Ciudad De Victoria ang mga participant ng fun run. Ang programa ay sinimulan ng isang zumba dance para sa mga runner. Pagkatapos nito sama-samang nagtungo na ang mga nakatakdang tumakbo sa racing tracks. Nauna ang 9.55k […]

DZEC Radyo Agila, tinanghal bilang “Radio Station of the Year” ng Rotary Club of Manila

(Eagle News) — Tinanghal bilang Radio Station of the Year ang DZEC Radyo Agila ng Rotary Club Manila Journalism Awards 2018. Tinanggap ni Laila Tumanan, station manager ng Radyo Agila, ang naturang pagkilala . Kinilala ng Rotary Club of Manila ang outstanding contribution ng DZEC Radyo Agila sa tri-media. Bukod sa DZEC Radyo Agila ay tumanggap din ng parangal ang ilang personalidad sa himpilan ng radyo at telebisyon maging sa mga pahayagan. Ipinagpasalamat naman ng […]

Washington DC Bureau, naglunsad ng ‘EBC Cares’ kasabay ng 50th anniversary ng Eagle Broadcasting Corporation

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng Eagle Broadcasting Corporation, inilunsad  ng Washington D.C Bureau ang ‘EBC Cares’ program upang makatulong sa iba’t-ibang komunidad sa Estados Unidos. Inuna ng mga ito ang pakikipagtulungan sa Samaritan House na nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng karahasan at pamilyang walang matitirhan.