Casino operations, hindi na papayagan sa isla ng Boracay

Photo courtesy of Eagle News Bureau-Aklan

Ni Alan Gementiza
Eagle NewsCorrespondent

(Eagle News) – Muling nagpahayag ang Department of Environment Natural Resources (DENR) na hindi na nila papayagan na magkaroon ng casino operations sa magiging re-opening ng Boracay sa Oktubre 26, 2018.

Ayon kay DENR Undersecretary Sherwin Rigor, may direktiba na ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang Boracay ay maging casino-free.

Ang ibig niyang sabihin, walang casino o anumang online gambling ang papayagn na mag-operate sa isla, ito man ay bago o dati nang nag-operate.

Ayon pa kay Rigor, lahat aniya ng binigyan ng lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ay pina-revoked na upang hindi makapag-operate sa isla ng Boracay.

Ang sinumang lalabag sa nabanggit na batas ay maaari silang magmulta at sasampahan ng kaukulang parusa.