Buntis arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Calbayog City, Samar

Ang suspek na si si Jenny Cadion alyas Jing-jing na naaresto ng owtoridad sa isinagawang buy-bust operation /Miriam Timan/ Eagle News Service/

 

CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) – Isang buntis ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Calbayog City kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Jenny Cadion, alyas Jing-jing, 31.

Nang matanggap ni Cadion ang P3,000 na  marked money mula sa poseur-buyer ay hinuli na ito ng  pinagsanib na pwersa ng Calbayog City Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Purok 1, Brgy. Capoocan.

Narekober mula sa suspek ang apat na pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, pera na nagkakahalaga ng P955 at isang unit ng cellphone.

Samantala, nasa kustodiya na ng Calbayog City Police Station si Cadion, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  Miriam Timan