Bulkang Mayon nagbuga ng abo – PHIVOLCS

(Eagle News) — Nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon kaninang umaga.

Ayon kay Ed Lagueta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Albay, naitala ang bahagyang pagbubuga ng abo sa bulkan, alas 8:40 ng umaga kanina.

Sa ngayon ayon kay Laguerta ay wala pa naman silang nakikitang banta ng major volcanic activity sa Mayon.

Ipinaliwanag nito na ang pagbuga ng abo ay pag-init ng tubig sa ilalim ng crater ng bulkan.

Patuloy rin aniya ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng Mayon partikular kung magkakaroon ito ng sulfur dioxide emission at kung may pamamaga sa bunganga ng bulkan.

Sinabi pa ni Laguerta na sa ngayon ay hindi pa naman kailangang magpalikas ng mga residenteng nakatira malapit sa bulkan.

Sa video na ibinahagi sa Facebook ni Sto. Domingo, Albay Mayor Herbie Aguas, makikita ang paglabas ng abo mula sa bunganga ng Mayon.