BuCor Chief Faeldon, nangakong susugpuin ang illegal drug trade sa NBP

(Eagle News) — Nangako Si Bureau of Corrections (Bucor) Director General Nicanor Faeldon na kanyang sasawatain ang illegal drug trade sa National Penitentiary at maging pag resolba sa sa jail congestion.

Plano rin ni Faeldon na ilipat ang ilang pasilidad sa Bucor sa ibang lugar.

Nitong nakaraang linggo, nanumpa ang bagong Bucor Chief sa harap ni Justice Menardo Guevarra.

Naging hepe rin ito ng Bureau of Customs (BOC) at sa ilalim ng pamumuno nito nakapuslit sa bansa ang bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.

Pero pinawalang sala at nilinis na ng Department of Justice ang kanyang pangalan sa nasabing kaso.

Pinalitan ni Faeldon si Ronald “Bato” Dela Rosa na sasabak sa pagka senador sa 2019 elections.

https://youtu.be/QDs6KcasDTc