Boracay, bubuksan sa mga lokal na turista sa October 15

(Eagle News) — Bubuksan na sa mga lokal na turista ang Boracay island sa October 15.

Ayon kay Atty. Richard Fabila, Officer in Charge ng Cenro o Community Environment and Natural Resources Office sa Boracay, layon nito na masubukan muna kung epektibo ang mga inilagay nilang sewerage treatment plants (STP) sa isla bago ito buksan para sa lahat ng turista.

Plano rin umano ni DENR Secretary Roy Cimatu na magtalaga ng mga environment enforcer na huhuli sa mga magtatapon ng basura.