BJMP, nangangailangan ng 1,000 karagdagang tauhan

(Eagle News) — Nangangailangan ng isang libong bagong kawani ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, twenty-three (23) thousand pesos kada buwan ang starting salary ng mga makukuhang aplikante para sa Junior Office 1 na entry position.

Maaari aniyang mag-apply ang nasa edad 21 hanggang 30 at nakapagtapos ng anumang 4-year degree course.

Kinakailangan din na nakapasa sa Board, Civil Service o Penology Officer exams ang mga aplikante.

Dagdag pa ni Solda ay may height requirement na 5’2″ para sa mga babae, at 5’4″ sa mga lalaki.

Maaari namang bisitahin ang website o Facebook page ng BJMP para sa iba pang detalye tungkol sa pagsusumite ng resume o kaya ay magtungo sa kanilang tanggapan.