Bilis Cave, malapit nang buksan sa publiko upang maging isa sa tourist spots sa Baguio City

BAGUIO CITY, Benguet (Eagle News) — Sa hinaharap, maaari nang mamasyal sa bagong diskubre na kweba  sa Baguio City.

Kapag ito ay pormal nang binuksan ng City Government of Baguio para gawing isang tourist spot ay papangalanan itong Bilis Cave.

Ayon kay Baguio City councilor Leandro Yangot Jr., kailangan munang magawan ng mga guidelines bago pormal na buksan sa publiko ang lugar upang maingatan at mapanatili ang kagandahan at kalinisan nito.