Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Usman umabot na sa 122

(Eagle News) — Umakyat na sa 122 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang 105 ang namatay sa Bicol Region kung saan 57 ay mula sa camarines sur na itinuturing na pinakamalalang nasalanta ng bagyo.

Samantala, 18 ang naitalang nasawi sa albay, 15 sa Camarines Norte, walo sa Sorsogon at pito sa Masbate.

Sa Northern Samar ay 13 ang naitalang nasawi, tatlo sa Oriental Mindoro at isa sa Laguna.

Ayon naman sa NDRRMC, 28 katao pa ang nawawala kung saan 23 ay sa Bicol Region.

https://youtu.be/44ZskWu6dTo