Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo patuloy na nadaragdagan sa Claveria, Cagayan

CLAVERIA, Cagayan (Eagle News) – Isa na namang bagong Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan kamakailan sa Barangay Santiago, Claveria, Cagayan. Pinangunahan ni Bro. Bernardino E. Sabado, District Supervising Minister ng Cagayan West ang inagurasyon at unang pagsamba sa nasabing kapilya.

Ang pagpapatayo ng mga Barangay Chapel ay isa sa mga pinag-uukulan ng pansin ng Pamamahala ng INC. Layunin niyo ay upang mailapit sa mga kaanib nito na nasa malalayong dako ang kanilang mga pagsamba.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga kaanib ng INC sa nasabing dako kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister sa patuloy na pagmamalasakit para sa kapakanan ng kanilang mga paglilingkod sa Diyos. Ang pagkakaroon aniya ng kapilya sa kanilang barangay ay kinilala nilang isang malaking biyaya dahil mas makilala at marami nang tao ang Iglesia ni Cristo sa dakong ito.

Courtesy: Dexter Daligcon – Claveria, Cagayan Correspondent