Barangay chapel, ipinatayo ng Iglesia Ni Cristo sa Pampanga

Pinatayuan ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ng barangay chapel o gusaling sambahan ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa San Basilio, kanlurang bahagi ng Pampanga. Matatagpuan ito sa Quiratak Barangay San Basilio Sta. Rita, Pamapanga.

Ang pagpapasinaya ng bagong barangay chapel ay pinangunahan ni Kapatid na Bedan l. Ubaldo, District Minister ng Pampanga West.

Ang lote na pinagtayuan ng barangay chapel ay ipinagkaloob ng mag-asawang Edgardo at Catalina Galang. Sila ay mga maytungkulin sa loob ng Iglesia Ni Cristo.