Barangay chairman patay, isa pa sugatan sa pag-atake ng riding-in-tandem sa Maynila

TONDO, Manila (Eagle News) — Dead on arrival sa ospital ang isang barangay chairman, at isa pa ang sugatan matapos umatake ang isang riding in tandem kagabi, ika-12 ng Oktubre sa Maynila.

Makikita sa footage ng closed-circuit television camera ng Barangay 20 na nakaupo si Arnel Parce, 40, at masayang nakikipag-kuwentuhan kasama ang mga opisyal sa barangay sa Tondo nang  biglang sumulpot mula sa eskinita ang isang motorsiklo, bumaba ang isa sa mga suspek, saka pinagbabaril sa ulo ito.

Agad naman tumulong ang isang pipi at nakipagbuno sa bumaril ngunit maging siya ay binaril at tinamaan sa likuran

Ayon kay Danny Bohol, isang barangay tanod, nagkwento sa kanya si Parce na mayroon itong banta sa buhay.

Wala umanong kaaway ang chairman ngunit madami itong pinahuling drug personalities sa kanyang nasasakupan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad.