Bangued, Abra nagkaroon na ng suplay ng kuryente pagkatapos hagupitin ng Bagyong Lawin

BANGUED, Abra (Eagle News) — Nagkaroon na ng supply na kuryente ang bayan ng Bangued, Abra pagkalipas  ng anim na araw pagkatapos itong hagupitin ng napakalakas na Bagyong Lawin .

Gayunpaman, sa ibang mga lugar pa rin sa probinsya ng Abra ay wala pa ring kuryente hanggang ngayon dahil maraming poste ang nasira ng nasabing bagyo

Samantala, pagkatapos na pinsalain ang lalawigang ng bagyong Lawin ay tulong -tulong naman ang mga residente sa pag-aalis ng mga punong nabuwal at sa pagpuputol ng mga sangang nakabalandra sa daan.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan ang tulay sa Bio ng Barangay San Isidro Lagangilang,  Abra.

Eagle News Correspondent, Abra Roger Vargas

photo_2016-10-26_08-37-47

photo_2016-10-26_08-37-52

photo_2016-10-26_08-37-59

photo_2016-10-26_08-38-04

photo_2016-10-26_08-38-16

photo_2016-10-26_08-38-29

photo_2016-10-26_08-38-36

photo_2016-10-26_08-38-44