Balik tanaw: Unang Worldwide Walk ng Iglesia Ni Cristo inilaan para sa “Yolanda” survivors

“We Walk, So They Can Stand.”

Ito ang naging battle-cry ng  unang Worldwide Walk ng Iglesia Ni Cristo noong February 15, 2014.

Maraming mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang nakiisa at naglakad sa Pilipinas maging sa iba’t-ibang panig ng mundo  para tulungan ang mga kababayan nating naapektuhan ng  Supertyphoon Yolanda sa Visayas.

Ang nasabing event ay kinilala ng Guinness matapos makapagtala ng dalawang world records.

Kabilang dito ang Largest Charity Walk in a Single Venue sa Maynila na nilahukan ng 175,509 katao. Nalampasan ng INC ang record ng Singapore na 77, 500.