Bahagi ng Surigao Del Norte niyanig ng 3.4 magnitude na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang epicenter ng lindol sa layong dalawang kilometro sa timog Silangan ng Socorro bandang 11:32 kagabi.

May lalim na 101 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian dahil sa pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

https://youtu.be/h0el5xOUARk